Search This Blog

Monday, May 5, 2014

ANG BUKANG-LIWAYWAY | KUWENTO NG THE DAWN

Salamat po.

PARAT | ANG ALAT AT ALAMAT NG ASIN

Hindi ko po mailarawan pa nang mas mabuti o mas masinsinan kung gaano kalaki ng impluwensya ng grupong ito sa kasaysayan ng musikang Pilipino sapagkat ako po ay hindi pa naipapanganak nang sila ay nagkaroon ng paraan na maihatid sa kapwa Pilipino ang kanilang mga obra.  Ngunit ang alam ko po ay nais lang nilang maimulat ang lahat lalo na ang kanilang mga kababayang Pilipino sa realidad ng buhay sa bansang kinalalagyan.  Bilang respeto sa kaugnayan nito sa pamumuhay ng mga Pilipinong mulat sa kuwento ng ASIN, narito ang isa sa kanilang mga awiting aking napiling iparinig para sa kasulukuyan at susunod na henerasyong Pilipino.


Friday, November 30, 2012

MUNDO MUSIKA | SA DUYAN NG HUMANFOLK



Masarap sa tenga kung ilarawan ko ang unang rinig ng HUMANFOLK.  Tunog na madaling maintindihan at matanggap ng aking isipan, katawan, puso at maging ng aking kapaligiran.  Siguradong mapapahanga maging si tatay at nanay sa tunog ng grupong ito.  Malinis at talagang nakakapagaan ng kalooban.  Mga kapwa Pilipino maging sa ibang kanayunan ay mapapasamba. 

Wednesday, November 28, 2012

BUNSOD NG SINING | NI DR. JOSÉ MACEDA


Karamihan o halos lahat ng pinakamagandang tunog at awitin ay tungkol sa pag-ibig o pagmamahal sa sinisinta.  Mga tunog na masarap pakinggan. Ang mga ito isinasabahagi ng mga mang-aawit na may magagandang tinig kasama ng mga mahuhusay na musikero.  Alam natin na marami na ang naisulat tungkol sa kasaysayan ng musikang Pilipino.

Tuesday, November 27, 2012

'PINAS | TARA!

Halika't maglakbay at tangkilikin natin ang mga hiwaga ng orihinal na musikang Pilipino. Mula sa hilaga hanggang sa katimugang rehiyon ng bansa at sa ibang lugar. Ipaalam at matuklasan ang mga luma, bago at lumalagong mga banda't musikero sa bawat kategorya. Ang kanilang mga tala at ang kanilang produksyon.  Tara!..