Masarap sa tenga kung ilarawan ko ang unang rinig ng HUMANFOLK. Tunog na madaling maintindihan at matanggap ng aking isipan, katawan, puso at maging ng aking kapaligiran. Siguradong mapapahanga maging si tatay at nanay sa tunog ng grupong ito. Malinis at talagang nakakapagaan ng kalooban. Mga kapwa Pilipino maging sa ibang kanayunan ay mapapasamba.
Binubuo nina Alegre, Rodriguez, Ibarra, Clutario, Lopez at Alexander, ang grupong HUMANFOLK ay bunsod ng kanilang pakikipagtulungan. Nais ng grupo na makapagbuo ng musikang malaya sa kasarian o katayuan ng pamumuhay. Musikang iniaangkop sa kalagayan ng paligid na may pinaghalong jazz, rock, at elektronika gamit ang iba't ibang katutubong instrumento tulad ng kulintang, agung at iba pa. Di nakapatataka na ang grupo ay naparangalan sa 25th Awit Awards, at ng MCA Music at napabilang sa pinakamahusay na grupong pinoy ng kasulukuyang taong 2012.
Kaya't sa mga hindi pa nakarinig ng grupong 'to at sa kanilang mga tagahanga, eto ang kanilang opisyal na music video para sa kantang "Para Sa Tao".
References:
HUMANFOLK sa Facebook
HUMANFOLKII sa Facebook
HUMANFOLK sa Reverbnation
No comments:
Post a Comment