Search This Blog

Wednesday, November 28, 2012

BUNSOD NG SINING | NI DR. JOSÉ MACEDA


Karamihan o halos lahat ng pinakamagandang tunog at awitin ay tungkol sa pag-ibig o pagmamahal sa sinisinta.  Mga tunog na masarap pakinggan. Ang mga ito isinasabahagi ng mga mang-aawit na may magagandang tinig kasama ng mga mahuhusay na musikero.  Alam natin na marami na ang naisulat tungkol sa kasaysayan ng musikang Pilipino.

Sa aking pagsaliksik, ang mga nangungunang sinaunang henerasyon ng musikang Pilipino ay may impluwensya ng estilong Europa at Amerika. Mga komposisyong isinulat at naging tanyag sa tawag na klasikal.  Dekada kwarenta hanggang sitenta, ang musikang Pilipino ay mailalarawang kalmadong-kalmado.  Ang mga kompositor na tagapagbunsod nito ay sa henerasyon nina Nicanor Abelardo, Francisco Santiago, Antonio Molina at Juan Hernandez, sina Lucio San Pedro hanggang sa komposisyon nina Eliseo Pajarao at Lucresia Kasilag.  Musikang pinag-aaralan ng mabuti bago ginaganap.  Karamihan rin ng grupo ng musikero noong araw ay galing sa mga pribadong paaralan at sa simbahan, katutubong musika hanggang sa panahon ng Kastila, Hapon at Amerikano, nagkaroon ng iba't ibang estilo. Mga musikang orchestral, symphony, teatro, zarzwela, kundiman, folk at mga musikang instrumental.  Sa mga paaralan, publiko, simbahan, teatro at sa pagsimula ng radyo at sa anu-anong okasyon, ang musika ay naroon


Ang nais kong ihayag ay iyong mga komposisyong may kasamang ingay, boses, ng tambol, kalabit ng mga gitara o tunog ng pianista at iba pang instrumento.  Musikang may lalim at konting kilabot.  Simulan po natin ang ating paglakbay sa pinakauna,  at lehitimong Avant-Garde kompositor na si José Maceda.  Si Lolo Jose ang isinasaalang-alang na unang Pilipinong gumawa ng mga komposisyong malaya sa musikang banyaga. Dahil ang musikang experimental ay di gaanong pansin, nakasentro sa kanya ang mga ganitong klase ng musika.  Kawayan, gong, bansi, celli, gitara at palu-palo, mga instrumentong simpleng may hiwaga at salamangka.  Siya ay maestro ng sining at dalubhasang Ethnomusicologist.  Lumakbay at nag-aral sa iba't ibang bansa, sa Amerika, Europa at Asya.  Isinulat niya ang Gongs and Bamboos: A Panorama of Philippine Music Instruments. Ang kanyang mga musika ay matatagpuan sa UP archive ng Quezon. Nilalaman nito ang libu-libong oras na tala sa mahigit na limampung wika na may kasamang iba't ibang instrumento, mga litrato, teksto, transcription, at pagsasalin.,

Maituturing kong isang pambihirang musikerong Pilipino si José Maceda.  Kaya't hindi nakapagtataka noong 1997, siya ay pinarangalan bilang "Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas".  Isang tunay na henyo ng nakaraan at kasalukuyang henerasyon.  Pakinggan natin ang isa sa kanyang mga obra. Isang pinaikling bersyon ng mahigit na limampung minutong komposisyon.




Composer: José Maceda (1917-2004)
1997 National Artist of The Philippines
Track: Ugnayan, for 20 radio stations
Time:  51:00 

CD Releases:
Gongs and Bamboos (2001)
Drone and Melody (2007) 
Ugnayan (2009)

Mga Obra:
Pagsamba, for 116 instruments, 100 mixed voices (1968)
Cassette 100, for 100 cassette players (1971)
Ugnayan, for 20 radio stations (1974)
Udlot-Udlot, for several hundred to several thousand people (1975)
Suling-Suling, for 10 flutes, 10 bamboo buzz and 10 gongs (1985)
Distemperament, for orchestra (1992)
Colors without Rhythm, for orchestra (1999)
Sujeichon, for 4 pianos (2002)

References:
Who Is Jose Maceda?
José Maceda on Wikipedia
Music in The Philippines Since 1998
Gongs and Bamboos: A Panorama of Philippine Music Instruments 

No comments:

Post a Comment